
Psychosocial Bahaginan

Naisabuhay ang isa sa aming matagal nang pangarap, ang magkaroon ng espasyo upang magshare ng mga community mental health at psychosocial interventions na naidevelop mula mismo sa ating lokal na konteksto, na naihubog at naihulma mula sa komunidad at social justice movements. Nagpapasalamat kami sa Children's Rehabilitation Center, sa ilang dekada nilang paninindigan sa kaginhawaan ng kabataan, kasama ang Salinlahi at Parent's Alternative on Early Childhood Care and Development Inc.
Psychosocial Interventions for Children
Pinaramdam po sa amin (gamit ang simulation) kung paano magpadaloy ng isang Community Psychosocial Intervention para sa mga kabataan, lalo na sa mga apektado ng demolisyon, disaster, at iba pang krisis. Mayroong pagpapalalim ng damdamin at galawan (body movement), at pagbibigay pokus sa mga kondisyon na nagdudulot ng opresyon -- na accessible sa wika ng mga bata. Ito ay tubo mula sa ilang dekada ng pagbibigay ng psychosocial support ng CRC sa iba't ibang komunidad na apektado ng krisis, tulad ng sakuna o human rights violatoins. Ito ay naihubog mula sa kanilang Therapy Framework na sumesentro sa tatlong aspeto: (1) Release Diagnostics, (2) Meaning Construction, at (3) Cognitive Mastery; na kaniang hinulma mula sa 40 na taong pakikibaka. Mayroong pagdidiin sa psychoeducation ng karapatan ng kabataan maliban sa paglilikha ng espasyo para sa pagkukuwento, paglalaro, paglalabas ng saloobin, at pakikiisa bilang kolektibo/komunidad.
Alamin kung papaano magpadaloy ng Psychosocial Intervention for Children, na tubo ng ilang dekada ng community-based mental health support, gamit ang kanilang soon to be published Zine. Reach out lang po sa kanilang social media pages.

Basic Listening Sequence Microskills Workshop
Ang Keri naman po ay nagpadaloy ng Basic Listening Sequence Workshop, mula sa Counseling Microskills, kung saan iniisa-isa ang bawat microskill na makakatulong sa pagbibigay ng psychosocial support. Ito ay intensib na training na pokus sa aktibong pakikinig (active at empathic listening). Gumamit din kami ng RESPECTFUL framework para ilitaw ang complex identity at social location (sentro-marginalisado) ng support seeker at care provider. Pinagusapan ang Katatagan at Neuroplasticity (trauma-informed neuroecological model). Nagpraktis at role play ng bawat Listening Skill, tulad ng Empathy Skill, Observation Skill, Paraphrasing Skill, atbp. Patuloy po ang aming bahaginan at ang aming paninindigan na mapalakas pa ang aming kakayahan bilang care provider.

